UP BLISS MARKET Project

BLISSMARKET
project of J Pacena II
salamat kay Gerone Centeno sa photos

Bukod sa mga naging professors ko nung college, si sir J Pacena II ay isa sa apat na young professors sa UST na naging impluwensya saken (Buen Calubayan, Mark Salvatus at Wesley Valenzuela yung iba).

Mga 2 weeks ago nag email si Sir J saken tungkol sa isang project na binubuo nya. Ito ay magiging isang collaboration ng mga iba’t ibang artists (visual, literary, music, theatre at iba pa), na invite niya ako nag mag participate din dito. Natuwa at na excite ako! 🙂
Ito ay gaganapin sa lugar kung saan mismo lumaki si sir J, sa UP BLISS, Quezon City.

Ang magiging participation ko ay ang pag gawa ng mga mural na madalas ko ginagawa sa kalye.
Ang working title ko ay “Robobliss”
bale 5-8 murals ang gagawin ko around sa vicinity ng UP BLISS, bawa’t isa ay isang part ng robot/hybrid creature.
Tungkol ito sa madalas kong mensahe sa mga gawa ko: na ang isang siyudad (or community) ay parang isang malaking entity, kumbaga may sariling buhay ito. Ang mga bagay at tao ang bumubuo nito.

Eto ang unang parte at patuloy pa itong mag eevlove sa mga susunod na mga araw. salamat!

para sa mga dagdag na detalye: http://www.facebook.com/events/349263241799491/

Comments are closed.