Mabolo and Potol Cavite

1480533_10202563168068085_1658741462_n

Mabolo

kadalasan wala nang mas masaya pa kaysa sa honest to goodness lang na sunday paint sesh.
ang parati lang naman namin na intensiyon kung bakit kami nag pipinta ay para magkasama sama lang at
tamang kwetuhan.

eto ang panimula naming tatlo nina Lamok at Blic (CVTY) para sa taong 2014. Ika nga start the year
right! So ayun pinta!

naka isekedyul na kame sa isang spot, pero medyo na late lang si boss Mok – kaya naisip ko mag hanap ng pader.
pag katapos ng dalawang maganda sana na spot, swerte naman akong nakakuha sa isang
bahay sa may Mabolo, Cavite.

Pagktapos sa Mabolo, sakay kame ng “bebe bus” papunta sa next spot (hybrid ito ng jeep at ordinary bus).
Tipikal ito sa kabite at iba pang probinsya!

Pag dating sa pangalawang spot, mabilis lang kme kumain ng tapsilog tapos rekta pinta na.
naalagaan pa ng mabuti ni lamok yung aso na ligaw. kinalinga nya na parang kanya.
ang ending naka dalawang pinta kame sa loob ng isang araw 🙂
ayos!

1501845_10202563207109061_462817873_n

tulad ng parati kong nararanasan sa pag gawa sa kalye, may mga bagay na biglang kumukuha ng
atensiyon ko. Napansin ko lang itong bintana na may mga kulay na sa ilalim, naisipan ko na gamitin na
yung existing paint. Na solb naman ako sa kinalabasan.

1518355_10202563173788228_638115989_n
Potol

double hits

Lamok x Rai x Blic 2014

Comments are closed.