Art Para sa Lahat – Geloy x Rai

Geloy x Rai-3

isang collab kasama si Geloy
nagsisimula palang ako sa pag gawa ng mga art art sa kalye,
nakikita ko na yung gawa ni Pisi
matagal na akong bilib sa trabaho niya
nagulat nalang ako ng malaman ko na mas bata pala siya sa akin
at nung panahon na iyon 2nd year college student palang siya sa UST

1061745_10201611968646910_95547158_n

medyo matagal na kaming nagbabalak na mag pinta
pero dahil marami din pinagkaka abalahan si Geloy, hindi ito natuloy agad
mahusay din kse siyang photographer at kung hindi ako nagkakamali,
naging daan yung pagkuha niya ng mag litrato para makarating siya sa iba’t ibang bansa

kaya naman nung nagkaron na kami ng pagkakataon na mag pinta – game agad!
wala kaming pinagusapan kung ano ang magiging itsura o istilo
at wala din kaming redi na lugar na para pintahan
nagkita lang kami ng maaga tapos naghanap na ng mapipintahan

at ayun nagulat nalang kami at natuwa sa kinalabasan

Geloy x Rai

1057348_10201611970726962_723031430_n

992365_10201611968126897_1683787885_n

photos galing kay charles salazar

Comments are closed.