“Multo” (Ghost)
street art mural at an abandoned building near Betty Go – Belmonte Station

Ito ang aking unang gawa sa kalye o sa isang sining sa pampublikong lugar na may intensiyon na ma konsider as “street art”. Nung mga panahon na yun sinusubukan ko lang gumawa ng street art ayon sa aking sariling panlasa at pagkaka intindi. Sa mabilis na paglipas ng
dalawang taon, madami na din akong natutunan. Pero mula pa noon hindi talaga ako marunong gumawa ng “graffiti letters” at bano pa din ako gumamit ng spray paint. Unang una, ibang klaseng galing ang kailangan sa ganoong sining at pangalawa at napaka
may importante, mahal ang aerosol spray can dito sa Pinas. Kaya naman naisipan ko na gumamit na lamang ng boysen na latex paints, black and white para tipid. Hanggang ngayon brush at pintura pa din ang gamit ko at patuloy ko pa din itong pinagaaralan.

Kung ano yung kadalasan na ginagawa ko noon sa kanbas, yun ang nilagay ko din sa pader. Hindi ako ang unang gumamit ng brush at latex paints para sa street art. Sa katunayan, ang isa sa mga iniidolo ko na visual artist, si Boy Agimat ay yun din ang kaniyang ginagamit. Mga 2 taon bago ko ito ginawa, nagkita kami sa Quezon City at inaya niya ako na gumawa ng “graffiti” pero hindi ako gumawa.  Hindi ko talaga inaasahan na gagawa din pala ako nun pag lipas ng panahon. Kahit nasanay naman ako tumambay at mag inom sa gutter, hindi ko inaasahan na magiging masaya din yung mga isang katerba na “pagsubok” na makakaharap sa bawat pag gawa sa kalye.

May kaniya kaniyang layunin ang mga graffiti writers at street artists sa pag gawa nila ng sining sa isang pampunlikong lugar, karamihan ng kanilang mga intensiyon ay nirerespeto ko. Para sa akin naman nung mga panahon na ito gusto
ko lang sumbok ng bago. Bukod dun, may grupo ng mga estudyante na nakakasama ko na turing ko na kapatid at kaibigan. Naimpluwensyahan ko sila at ganun din naman sila sa akin. Kaya naman noong tuluyan na nila akong napilit na subukan ang
street art, talaga namang hindi ko na ito maiwan.

Ang lugar na ito ay isang abandonadong gusali sa bandang Betty Go Belmonte Station ng LRT 2. Noong pinuntahan namin to ng mga kaibigan ko na sina Qudo, Tupa, Neku, Monk at iba pa, marami na din na mga gawa dito. Ang nakakatuwa ay dahil siguro sa dami
ng mga gustong gumawa dito, pinagkakitaan na ito ng bantay. Bayad muna ng singkwenta pesos kada artist na mag gra-graffiti at nasa bente pesos naman ata kung kukuha ka lang ng mga litrato.  Siguro inabot ako ng mga tatlo hanggang apat na oras
para matapos noon. Natuwa naman ako noon sa kinalabasan.

At eto na nga ang simula ng sunod sunod na pag gawa ko. Sobrang dami kong nakilala at natutunan dahil sa pag gawa sa kalye. Kaya naman gusto kong maibahagi ang mga kung anu anong karanasan ko sa pag gawa ng mga ganito. Salamat at sana basahin
niyo pa ang mga susunod.


photo courtesy of David Montasco.

Comments are closed.